Jan 26, 2004

ang alang magawa

ako yan...ang alang magawa. nagdaan ang sabado at linggo na wala akong nailagay sa blog spot ko na ito. di naman yan sa kadahilanang walang nangyari sa akin ng mga naka raang araw. kaya nga siguro ako di naka sulat eh dahil sa maraming akong ginawa at pinuntahan
sabado....pagmulat ng mata (yahahahay...parang batibot), akin ng pinag muni-munian kung ano ang aking gagawin ngayong araw na ito. si E ay may lakad kaya libre ako ng buong araw. ngunit, subalit, datapwat...ako ay tinamad na umalis kaya naisipan ko na lang na ayusin ang aking aparador at study table. nagulat ako aking ina ng pagdating nya dahil nakita nya ang isang malaking supot na itim na punong-puno ng mga papel. tinanong nya taloy ako kung ako ay nilalagnat...hehehe...pag ako ay sinipag, ako ay may sakit!
nung linggo naman, kmi ng aking ina ay sumundo sa aking tiyuhin sa paliparan....iniwan nga lang kmi ng aking tiyuhin at di na sya nakapagantay kaya siya ay sumakay na ng pang publikong sasakyan papunta sa aming tahanan. sarado kasi ang roxas blvd dahil sa prosisyon. ayun buhol-buhol ang trapik. ang wala nga prosisyon, trapik. panu pa kung meron? naiintindihan nyo ba ako...kung ikaw ay ang pasaherong ihing-ihi na. magkakasakit ka na muna sa bato bago ka makarating sa iyon pupuntahan.
ako din ay dumalo sa kaarawan ng aking pinsan...dalaga na sya at hindi na bata (hulaan kung ilang taon na sya sa araw ng kapanganakan nyang ito). masaya naman ang naging handaan, naalala ko taloy ng ako rin ay nagdiwang ng aking ganap na pagiging dalaga...bwahehehehehe.
sa mga di pa nakakanood ng pelikula ng aking matalik na kaibigang si tom cruise, inaanyayahan ko kayo manood ng "the last samurai". sana nga lang ang makatabi nyo ay di kasing ingay ng nakatabi ko sa sinehan. nakaka galak na inihambing nya si tom cruise sa pelikula sa isang boy scout. panoorin nyo para malaman kung tama sya....di ko kasi malaman kung paano nya naisip na magkapareho ang boy scout at si tom cruise. good week ahead to all!!!

No comments: