The Joys of Riding The Jeepney
cast of characthers: me, bheng, jeepney driver, ate ne (di ko sya kilala. alam ko lang pangalan nya), a kinder or a grade 1 student (tawgin nating bata) and ang mga iba pang pasahero na deadma lang sa nangyari pero alam ko namang natatawa din.
sakay na ako and si bheng ng dyip. nauna ako pumasok tapos si bheng tapos andar konti ang dyip (ng sobrang bagal). nagbayad na ako at nag aantay ng sukli ng sumakay si ate ne.
ate ne: ma bayad ho
ng bigla na lang may sumisigaw sa background ng...ate ne! ate ne! ako ay lumingon sa labas at sabay nakita ang isang bata na tila hahabulin ang dyip na mabagal ang andar.
ate ne: ma para ho. naiwan ko si bata
huminto naman ang dyip
me: nak ng teteng...nakasakay ka na ung bata naiwan mo!
dala lang ni ate ne ay ang payong nya at ang stroller bag ni bata.
bata: ate bakit mo ako iniwan
ate ne:akala ko kasi nakasunod ka sa akin (hmp...bata ang kasama at nauna pa sya na sumakay sa dyip--natawa ako dun).
lumipat ako sa tapat ni bheng na katabi si bata
me: (nakita ko na naiiyak na ang bata) bheng, nakakatawa. akala ko sa pelikula lang nangyayari yun. imagine mo kung mabilis yung dyip. sigurado hahabol ang bata
(opo,sadista ako and i had the intentions of making the kid cry. BAD ME!)
bheng: (tatawa-tawa at pabulong na sinabi) psst..iiyak na ang bata.
me: lam ko (nakatawa pa at patuloy pa din tumawa. i only had 3 hours sleep and my imagination went wild. i was imagining na humahabol na ang bata sa amin)
after mga 5 mins baba na ang bata at si ate ne
me:uy, baka maiiwan ulit si bata.
patakbo na bumaba ang bata...siguro gusto na nya sakalin si ate ne sa nangyari.
yun lang...natatawa pa din ako. kaya nga masaya na sumakay ng dyip paminsan minsan e.
No comments:
Post a Comment