121 Sta.Catalina
long post ahead... a trip down memory lane.
naalala ko pa nung....
-tuwing hapon, maglalaro kmi ng cops and robbers sa garage. it was not the usual cops and robbers. you have to make sure na if you are playing you wear an old shirt. kasi after the game, beyond recognition na ang t-shirt mo. ang mga players nun, si ate peach, si jepoy, si borloks, si mimi, si bibing, si tems, di ko na matandaan ang ibang pang players.
-after the 1992 earthquake, since one week walang pasok--one,two,three pass lang ang ginagawa namin. lahat na ata ng dayaan nagawa na namin at may mga kampihan pa para lang wag malagyan ng lipstick or ng powder sa mukha. in fairness, lumabas ang artistic side ng bawat isa sa lipstick na yan.
-around 5:30 in the afternoon, nasa labas na kmi ng gate and aantayin namin si tita peggy. she would usually be home before 6pm. pagbaba nya ng taxi palakpakan kmi lahat at magbibigay pugay sa kanya. syempre, matutuwa siya at lilibre nya kmi lahat ng ice cream ni mang roger (i wonder where mang roger is now?).
-at about 3pm, aantayin namin ni jepoy ang mga chicks na pwede nya pormahan. ang ending, di pumasa si jepoy sa mga chicks. yung isa, nasusundo nya sa sienna. yung isa, bagsak talaga sya at muntik pa mapaaway (sigawan ba naman ng lolokohin ka lang nyan).
-parati namin pag pustahan kung magsasalita ba si bong pag uwi nya from school...lagi mananalo ang pupusta na di sya magsasalita (infairness malaki na ang pinagbago nya. madaldal na si mayor ngayon!).
-a few years after, mimi went back to finish college (salamat naman). dito na nagsimula ang bonding namin at ni mama san at eventually ni sassaby.
-i remember during the times i get home from school at around 3 and mimi has not eaten lunch yet. bonding time namin ang mag lunch together.
-we would play street badminton or volleyball at around 5 in the afternoon. and then there was a time we would go jogging in the afternoon up to past 6pm. we would go around and it was always fun. naalala ko pa if we get to see nice townhouse units and sasabihin ni bheng na parang masarap tumira dun. sasabihan namin sya ni mimi na sige, "lipat ka na dyan".
-parati kami may sabado nights...malalakas kasi uminom ang mga napadpad sa compound ng time na yun. lahat ng siraulo nagkasabay-sabay mag college. theme song namin that time ang laklak!
-ang boxing bouts ni owelle at archie...
-dressing up owelle and archie as girls...nag mini fashion show pa yan.
-drinking vodka and gilbeys (pag ala pera) with beer as chaser. how did we even manage finishing college?!!?
-ang habulan sa kalye at basaan ng tubig. di kailangan maging fiesta ng san juan para gawin namin ito.
-uso ang dance numbers at kung anu-ano pang presentations noon. simpleng inuman lang may sayawan na agad
-beerhouse namin ang bahay nila mamasan. grande lang ang katapat at kung anu mang canned food or leftover food ang available sa house namin. beer+videoke c/o skycable ch 19 = fun!fun!fun!
-pag di masarap ang ulam sa bahay, pwede makikain as kapitbahay. pwede din makipagpalit ng ulam pag sawa ni si bheng sa binabad.
-going to malate after mamasan's shift at don henrico's. and making sure to be home before the maids wake up.
madaming pang fun memories ang apartment na ito. if walls could only speak. after college though, ako na lang , si mimi, bheng and sassa ang naiwan. then mimi went to the states to pursue her dreams of becoming a chef. and then sassa had to go to bacolod and eventually dumaguete. kmi na lang ni bheng ang naiwan. and what about my other cousins? some are married, others live elsewhere, a few went back to nueva ecija, and one even ended up being a board memeber.
ahay, the joys of living in a compound!
No comments:
Post a Comment